Monday, 30 December 2013

REALIZE

Narealize ko ang Hirap na pinagdaanan ni Jesus Christ ng Akuin nya lahat ng mga Kasalanan natin hanggang sa umabot pa sa puntong ipinako siya sa Krus at mamatay para lang mawala lahat ng Kasalanan natin, naramdaman ko yung sakit na yun pero walang wala pa to Kumpara sa naramdamang sakit ni Jesus Christ. Kasi natanong ko sa sarili ko "Bakit ko Kailangang Humingi ng Tawad at Akuin ang isang Kasalanan na Hindi ko naman ginawa?" Biruin nyo may Sagot ako agad, nang Maitanong ko yan sa Sarili ko dito pinarealize sakin lahat Jesus Christ lahat lahat ng mga ginagawa niya para satin. Aminado ako hindi ako nag-babasa ng Bible, pero biglang pumasok lahat sa isip ko yung mga Sacrifices ni Jesus Christ para satin. Isa lamang akong Simpleng Mamamayan na naninirahan sa isang Simpleng Bayan, pero dito ko napatunayan na meron talagang Tao sa Taas na nakamasid sa lahat ng ginagawa natin sa Ikakabuti man ng ating Kapwa o sa Ikakasama at Ikakapahamak nating Lahat. Marahil napapaisip ang marami sa inyo kung ano ba tong Isinulat/Post ko , pero para sakin, isa lang naman itong Simpleng BABALA para sa ating lahat.

"Walang Sikretong Hindi Nabubunyag" at Kailan man hindi Nanalo ang Kasamaan laban sa Kabutihan.

Magandang Hapon sa lahat
-Angelwyn Panistante







-Timbal,K


No comments:

Post a Comment