Saturday, 23 November 2013

Kristong Hari

KRISTONG HARI


        Sa umpisa pa lamang ng ebanghelyo ni Juan ay may kumilala na kay Jesus bilang Hari ng Israel (Juan 1:49). Nang mapakain niya ang madla mula sa ilang piraso ng tinapay ay may mga kumilala rin kay Jesus bilang hari (Juan 6:15) nguni’t umalis si Jesus at nagtago sa bundok. Sa kanyang maringal na pagpasok sa Jerusalem siya ay binati ng mga tao bilang Hari ng Israel (12:13.15). Sa pamamagitan ng mga talatang ito mula sa tinatawag na “Aklat ng mga Tanda” ng Ebanghelyo ni Juan, ang Sekreto Mesiyaniko na matatagpuan sa mga Sinoptiko (Markos, Lukas at Mateo) ay masisilip din. Sa ikalawang bahagi ng Ebanghelyo ni Juan — Ang Oras ni Jesus — ay ipapaliwanag kung anong uring Hari siya. “Ang kaharian ko’y hindi sa daigdig na ito” sasabihin ni Jesus. - 



-Timbal, K

No comments:

Post a Comment